Tauhan ng Ibong Adarna
Mga Tauhan sa Ibong Adarna
Don
Pedro - Siya
ang panganay na anak ni Haring Fernando. Sa tatlo, siya ang pinakamacho ang katawan at kaiman ang postura.Tinaksilan
niya ang kanyang kapatid dahil sa selos.Magiging asawa niya rin si Princesa
Leonora.
Don
Juan - Siya
ang bunsong anak ni Haring Fernando.
Sa tatlo, siya ang pinakamahal ni Don Fernando dahil siya ay puno ng kabaitan.
Mahal na mahal rin ni Don Juan ang mga kapatid niya.Siya din ang nakahuli sa
Ibong Adarna.Magiging asawa niya naman si Princesa Maria Blanca.
Don Diego - Siya ang pangalawang anak ni Don Fernando at
Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakatahamik. Lagi siyang sumusunod sa mga
utos ni Don Pedro.Magiging asawa niya rin si Princesa Juana.
Haring Fernando - Siya
ang hari ng Berbanya.Asawa siya ni Reyna Valeriana.Mayroon siyang tatlong
anak,sina Don Juan,Don Pedro at Don Diego.Siya ang nagkasakit dahil sa kanyang
masamang panaginip.Ang tanging lunas lamang sa kanyang sakit ay ang awit ng
Ibong Adarna.
Reyna Valeriana - Si Donya Valeriana ay ang asawa ni Don
Fernando.Siya ang reyna ng Berbanya.Anak niya sila Don Juan,Don Diego at Don
Pedro. Kinala ng ibang tao na siya ay mabait at maganda.
Ibong Adarna - Ito ang tanging ibon na nagpagaling sa sakit ni
Don Fernando.Siya ay dumadapo sa Piedras Platas na nasa Bundok
Tabor.Itinuturing niyang si Don Juan ang nag mamayari sa kanya.
Princesa Leonora - Siya ang kapatid nina Princesa Maria Blanca at
Princesa Juana.Nakatira sa loob ng mahiwagang balon.At sa huli,siya din ang
nagging asawa ni Don Pedro.
Princesa Maria Blanca - Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De Los
Cristales. Gumagamit siya ng puting majika. Siya ang tinukoy ng Ibong Adarna
kay Don Juan.Nagiibigan silang dalawa ni Don Juan.Ama niya si Haring Salermo.Naging
asawa niya rin si Don Juan.
Princesa Juana - Siya
ang unang natagpuan sa mahiwagang balon ni Don Juan.Siya ang unang mahal ni Don
Juan.Niligtas din siya ni Don Juan mula sa Higante.
Haring Salermo - Siya ang ama ni Donya Maria Blanca. Gumagamit
siya ng itim na mahika.Siya ang hari ng Reyno De Los Cristales.Siya ang
tumututol sa pag-iibigan ng kanyang anak na si Maria Blanca at ni Don Juan.
Leproso - Siya ang
tumulong kay Don Juan papunta sa Piedras
Platas.Binigyan siya ni Don Juan ng pagkain.
Manggagamot - Siya ay nanggamot kay Don Fernando. Sinabi niya
na ang Ibong Adarna ang gamot sa sakit niya.Siya ang tanging nakabatid sa sakit
ni Haring Fernando.
Higante - Siya ay
isang dambuhala na nagbabantay kay Donya Juana.Pinatay siya ni Don Juan para
mailigtas si Donya Juana.
Serpyente - Siya ang may pitong-ulo.Kapag pinatulan mo ang
isa, matutubo muli ang ulo. Nagbabantay siya kay Leonora.Pinatay din siya ni
Don Juan.
Lobo - Siya ang
tumulong kay Don Juan sa kanyang mga sugat.Binuhusan niya si Don Juan at tsaka
gumaling si Don Juan.
Agila - Siya ang
sinakyan ni Don Juan papuntang Reyno De Los Cristales.
Arsobispo - Siya
ay kasunod sa hari,siya ang nakapagbigay ng desisyon.Sinabi niya na dapat
si Donya Leonora ay ikakasal kay Don
Juan at hindi si Maria Blanca,pero sa wakas,sina Maria Blanca at Juan pa rin
ang ikinasal.
Unang Ermitanyo - Siya
ay isang matandang lalaki na nakatira sa kabundukan na tumulong kay Don Juan
hulihin ang Ibong Adarna at iligtas ang kanyang mga kapatid.
Ikalawa at Ikatlong Ermitanyo
Ermitanyo 3: Siya
ang Ermitanyong may mahabang balbas na nagbigay ng panuto kay Don Juan upang
hanapin ang isa pang Ermitanyong tutulong sa kanya.
Ermitanyo 4: Siya
ang huling Ermitanyo na tumulong sa kanya. Ipinapunta niya si Don Juan sa Delos
Cristales sa likod ng isang Agila.
Comments
Post a Comment