Si Pilandok at ang Sultan
SI PILANDOK AT ANG SULTAN
Ang
kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw – si
Pilandok. Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon
sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw,
ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na
nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang
isang kumikislap na ginintuang tabak.
” Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat?”
nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok.
“Siya pong tunay, mahal na Sultan,”
ang magalang na tugon ni Pilandok.
“Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap
ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon,” ang wika ng
Sultan.
”Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking
mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa
akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana
sa lahat ng bagay?” ang paliwanag ni Pilandok.
“Marahil ay nasisiraan ka ng bait,”
ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan.
“Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa
ilalim ng dagat.
“Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na
ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay
naririto ngayon at kausap ninyo,” ang paliwanag ni Pilandok.
“May kaharian po
sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa
hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po’y aalis na at marahil ay hinihintay
na ako ng aking mga kamag-anak.”
Umakmang aalis na si Pilandok.
”Hintay,”
sansala ng Sultan kay Pilandok. “Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak.”Tatawagin na
sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang
walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang
sultan saloob ng isang hawla.
“Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat,” ang sabi ng Sultan. “Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?” ang tanong ni Pilandok.
”Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa
sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo
rin doon.
Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, “Gagawin kitang
pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang
ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin.”
“Hintay, mahal na Sultan,” ang pigil
ni Pilandok. “Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro.”
”Ano ang
nararapat kong gawin?” ang usisa ng Sultan.
“Ililihim po natin ang bagay na
ito. Basta’t ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag
nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako,” ang tugon ni
Pilandok.
Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi
at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang
hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang
Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
Just want to know if sino po ang author nito? salamat po
ReplyDelete