Basic Prayer (Tagalog)


Ama namin
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
[Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian,
ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpasawalang hanggan.
Amen
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami
y mamamatay.
Amen
.

SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, 
na may gawa ng langit at lupa.
  Sumasampalataya naman ako kay 
Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat;
 
nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo,
 
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
 
ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
 
 Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, 
naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
 
Doon magmumula ang paririto
t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.  
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
 
sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo,
 
sa kapatawaran ng mga kasalanan.
  
Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao.
  
At sa buhay na walang hanggan.
  Amen.

Luwalhati
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. 
Kapara nang sa una, gayon din ngayon at
 
magpakailan pa man sa walang hanggan.
 
Siya nawa.


Comments

Popular posts from this blog

Panitikan ng Mindanao

Anyong Lupa at Tubig sa Asya

Akademikong Sulatin