Akademikong Sulatin


Akademikong Sulatin
Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalamansa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.
AKADEMIKONG SULATIN
LAYUNIN AT GAMIT
KATANGIAN
Abstrak
Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,papel siyentipiko at teknikal,   lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.
Sintesis
Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maiklling kwento.
Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod na pangyayari sa kwento.
Bionote
Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
May makatotohanang paglalahad sa isang tao.
Memorandum
Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
Organisado at malinaw para maunawaan ng mabuti.
Agenda
Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng at organsadong pagpupulong.
Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong..
Panukalang Proyekto
Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga prolema at suliranin.
Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya..
Talumpati
Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugod, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman.
Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya.
Katitikan ng Pulong
Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Posisyong Papel
Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya.
Replektibong Sanaysay
Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang manunulat at nagrereplek. Nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng manunulat.
Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood.
Pictorial Essay
Kakikitaan ng mas maraming larawano litrato kaysa sa mga salita.
Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap.
Lakbay Sanaysay
Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat.
Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan.

Comments

Popular posts from this blog

Panitikan ng Mindanao

Anyong Lupa at Tubig sa Asya