Si Pilandok at ang Sultan
SI PILANDOK AT ANG SULTAN Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw – si Pilandok. Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak. ” Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat?” nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. “Siya pong tunay, mahal na Sultan,” ang magalang na tugon ni Pilandok. “Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon,” ang wika ng Sultan. ”Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?” ang p